MANILA, Philippines – Hindi alintana ang init ng panahon, ang mga supporters ng dating administrasyon Duterte at nagtipon-tipon ngayong hapon sa Liwasang Bonifacio bilang pakikiisa sa solidarity rally laban sa umano’y hindi makatatungang pag-aresto Kay ‘Tatay Digong.”
Mula sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila, karating lalawigan at probinsya, nagmartsa patungong Liwasan upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa dating presidente.
Sa kanilang pagpapahayag ng suporta, sigaw ng mga naniniwala at taga suporta ng dating Pangulo na ibalik na siya sa Pilipinas.
Sigaw nila ‘Duterte’, ‘Duterte’ ‘Duterte’ tuloy ang laban para sa bansang Pilipinas.
Naniniwala ang mga nakiisa na sa administrasyong Duterte ay doon lamang nila naramdaman na may presidente sa Pilipinas.
Ilan din sa mga milyong-milyong sumuporta noon kay Duterte ang naging emosyonal at sumisigaw na umalis na lamang sa pwesto ang administrasyong Marcos kung hindi maipaglaban ang sambayanang Pilipino.
Panahon na anila ngĀ pagsama-sama para ipaglaban ang karapatanĀ ng bawat Pilipino dahil noong panahon ni Duterte sa kanyang pamumuno ay naramdaman nila ang tunay na malasakit at pagmamahal sa mga Pilipino hindi tulad ngayong Marcos administration na kanyang isuko ang soberenya sa ibang bansa.
Alas 3 ng hapon nagsimula ang kaganapan kung saan libu-libong supporters ang nakiisa.
May mga bitbit na plakards na may mga katagang “I am not a Filipino for Nothing”, “Justice PRRD” , “Bring him Home”, We Love You Tatay Digong” , ‘Bring PRRD Home’— kanilang ipinaglalaban ang karapatan hindi lamang para sa mga Duterte kundi para sa buong sambayanang Pilipinas.
Samantala, may mga ipinakalat ding mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng Liwasang Bonifacio upang magmando sa daloy ng trapiko at mananatili na rin ang kaayusan at kapayapaan ng buong kaganapan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)