Home METRO Bigtime tulak sa Pandi timbog sa P3.4M tobats

Bigtime tulak sa Pandi timbog sa P3.4M tobats

NADAKIP nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bulacan Provincial Office, Pandi Municipal Police Station, ang isang High Value Target (HVT) kahapon ng umaga sa bayan ng Pandi sa nasabing lalawigan.

Kinilala ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang inaresto na si Rodel Dumbi y Anggoto, 35 anyos, jeepney driver.

Base sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Isang ahente ang bumili ng shabu at nang magkaabutan dito na dinakma ang suspek.

Nakumpiska mula kay Dumbi ang 500 gramo ng shabu na may halagang P3,400,000 gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Jan Sinocruz