MANILA, Philippines – Pumanaw na ang pari na nagdokumento ng mga pagpatay sa Davao City na tinatawag na “death squad.”
Ayon sa Redemptorist Province of Cebu, ang 69-anyos na pari na si Fr. Amado “Picx” Picardal ay pumanaw na nitong Miyerkules, Mayo 29.
“Fr. Picx was a brilliant and courageous missionary. He was a passionate advocate of peace and social justice and a professor of theology who has touched and transformed the lives of many,” saad sa pahayag ni provincial superior Fr. Edilberto Cepe.
“May the light and joy that he left this world radiate through us as we continue to become beacons of truth and social transformation. Please join us in praying for his eternal repose as he now finally joins our Redeemer,” dagdag niya.
I-aanunsyo naman ang detalye sa lamay at libing ni Picardal.
Si Picardal, o kilalang “biking priest,” ay spokesperson ng Coalition Against Summary Execution, na nagmomonitor sa Davao Death squad killings at sumuporta sa Commission on Human Rights at Human Rights Watch sa pag-imbestiga sa mga pagpatay.
Nagsulat din siya ng iba’t ibang report tungkol sa DDS at mga biktima, sa kanyang personal blog. RNT/JGC