Home NATIONWIDE Bilang ng Chinese vessels sa WPS umakyat sa 42 — AFP

Bilang ng Chinese vessels sa WPS umakyat sa 42 — AFP

2
0

MANILA, Philippines — Umakyat sa 42 Chinese naval at coast guard vessels ang namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Setyembre 22 hanggang 28, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Mas mataas ito sa 35 Chinese vessels na na-monitor ng AFP mula Setyembre 15 hanggang 21. Kabilang sa binabantayan ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc, Escoda Shoal at Pag-asa Island.

Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa naitala noong nakaraang linggo ang isang PLAN vessel at anim na CCG vessels sa Escoda Shoal.

Dumami ang presensya ng Chinese vessels kasunod ng insidente noong Setyembre 24 kung saan sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea na hinarangan at inistorbo ng CCG at PLA Navy ang rotation and resupply mission ng Pilipinas patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nanindigan ang NTF-WPS na ang naturang resupply mission ay lehitimong operasyon ng Pilipinas at sinabing hindi naaayon sa UNCLOS at 2016 arbitral award ang ginawa ng mga barko ng China.

Patuloy namang inaangkin ng Beijing ang malaking bahagi ng South China Sea. Noong 2016, nagpasiya ang arbitral tribunal na walang legal na batayan ang historic-rights claims ng China sa loob ng tinatawag nitong nine-dash line kung lumalampas ang mga ito sa maritime entitlements na pinahihintulutan ng UNCLOS. Hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here