Home NATIONWIDE DOLE nagpaalala sa pay rules sa Nov. 16-18 special non-working days sa...

DOLE nagpaalala sa pay rules sa Nov. 16-18 special non-working days sa NCR

1
0

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa National Capital Region na sundin ang tamang pasahod sa Nobyembre 16 hanggang 18, na idineklarang special non-working days kaugnay ng pagho-host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Sa ilalim ng umiiral na patakaran para sa special non-working days, paiiralin ang “no work, no pay” sa mga empleyadong hindi papasok, maliban kung may company policy, practice o collective bargaining agreement na nagbibigay ng bayad kahit walang trabaho.

Para naman sa mga papasok sa trabaho, ang sumusunod na pay rules ang dapat sundin:

Sa unang walong oras ng trabaho — 130% ng basic wage.

Kapag lumampas sa walong oras — dagdag na 30% ng hourly rate sa naturang araw, o hourly rate × 130% × 130% × overtime hours.

Kung ang special non-working day ay tumapat sa rest day at pumasok ang empleyado — 150% ng basic wage sa unang walong oras.

Para sa overtime sa special day na tumapat din sa rest day — hourly rate × 150% × 130% × overtime hours.

Sinabi rin ng DOLE na ang parehong patakaran ay saklaw ang mga empleyadong nasa alternative, flexible at telecommuting work arrangements, nang hindi naaapektuhan ang iba pang mas paborableng benepisyo sa ilalim ng company policy o collective bargaining agreement.

Idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 16 hanggang 18 bilang special non-working days sa NCR upang makatulong na mabawasan ang traffic congestion at mapadali ang seguridad at iba pang paghahanda para sa ASEAN Summit na gaganapin sa Metro Manila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here