Home NATIONWIDE Bilang ng mga nalulunod tuwing summer sumisirit

Bilang ng mga nalulunod tuwing summer sumisirit

MANILA, Philippines- Tuwing summer ay marami ang dumaragsa sa mga beach. Subalit, pinaalalahanan ang publiko, partikular ang mga kabataan, na ito rin ang panahong dapat mag-ingat tuwing pumupunta sa mga anyong-tubig.

Para sa mga edad 1 hanggang 4 na taong gulang, isa ang pagkalunod sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa nakalipas na 10 taon, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon sa ulat nitong Miyerkules, sinabi ng WHO na ang pagkalunod ay seryoso subalit nababalewalang panganib.

Noong 2022, nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 3,576 kaso ng drowning incidents kung saan naiulat ang pinakamaraming kaso mula Marso hanggang Abril.

Samantala, batay sa 2019 survey, napag-alamang maraming Pilipino ang hindi marunong lumangoy.

Sa pagdami ng naiuulat na drowning cases, patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging maingat ngayong summer season, partikular tuwing nagtutungo sa mga dagat, ilog, o swimming pool, para magbakasayon. RNT/SA