Home ENTERTAINMENT Clau at Jodi, muntik nang magkita!

Clau at Jodi, muntik nang magkita!

Manila, Philippines- What would have likely happened had Jodi Sta. Maria and Claudine Barretto crossed paths at Mr. Johnny Manahan’s recent birthday celebration?

Nagkagulo kaya na mala-teleserye ang impact?

O dahil both are mature individuals naman, would the two actressès behaved accordingly?

Ito ang tanong na hinahanapan ng sagot ng mga netizens sa tanong kung paano kaya kung nagkita sina Jodi at Claudine sa surprise birthday party para kay Mr. M kamakailan lang?

Lest we forget, ang common denominator ng dalawang kababaihan ay pareho silang naging bahagi ng buhay ni Raymart Santiago.

As such, may isyu kina Claudine at Jodi who were once close to each other.

Ayon kasi sa nasagap ni Ogie Diaz, balitang imbitado rin sa naturang event sa Resorts World Manila si Jodi, she being one of the 100 ABS-CBN stars closest to Mr. M.

Medyo late na raw nang ma-realize ng taong in charge of sending the invites na napadalhan din nila ng imbitasyon si Claudine.

Para na lang daw makaseguro na walang anumang “eksena” ang maaaring mangyari ng gabing ‘yon ay binawi ang invite kay Jodi.

Malinaw na mas pinaboran si Claudine kesa kay Jodi para na lang maiwasang magkita sila doon ni Jodi.

Malakas daw kasi ang feeling ng mga nasa likod ng pag-oorganisa ng event na posibleng “mang-agaw” daw ng eksena si Claudine pag nagkrus ang landas nila ni Jodi.

“Knowing Claudine, she wouldn’t let it pass. Gagawa at gagawa siya ng paraan to make a scene!” pagtitiyak ng isang netizen.

Kilalang “brutally frank” si Claudine who speaks her mind kesehoda kung sinuman ang masaktan.

Kung matatandaan, sa isang showbiz event ay ikinagulat ni Gladys Reyes ang tinuran ni Claudine patungkol sa kapanabayan din nilang si Angelu de Leon.

Ani Claudine, willing siyang makasama sa pelikula sina Judy Ann Santos at Gladys, maliban kay Angelu.

Hindi raw kasi nagustuhan noon ni Claudine ang mga pahayag ni Angelu nang hingan ng reaksyon tungkol sa alitan ng mga Barretto sisters.

From her end, hindi ‘yon pinatulan ni Angelu by saying a word. Ronnie Carrasco III

Previous articleBilang ng mga nalulunod tuwing summer sumisirit
Next articleCALAX chop-chop victim kilala na