
MANILA, Philippines- Sa inilabas na Social Weather Stations (SWS) survey nitong Huwebes, makikitang bumaba ang net personal optimism ng mga Pilipino na bubuti ang kalagayan ng buhay sa susunod na 12 buwan, sa +38 sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Batay sa datos ng SWS, bumaba ang net personal optimism mula sa huling survey noong December 2022 sa +44.
Noong October 2022, ang net personal optimism sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay 40+.
“The [six-point] decrease in the national net personal optimism score between December 2022 to March 2023 was due to decreases in all areas,” anang SWS sa report nito.
Ayon sa SWS, narito ang net personal optimism decreases mula December 2022 hanggang March 2023:
Metro Manila: +49 sa +45
Balance Luzon (mga lugar sa labas ng Metro Manila): +43 sa +37
Visayas: +37 sa +27
Mindanao: +48 sa +47
Subalit, ang rating na +38 para sa March 2023 ay itinuturing pa rin ng SWS na “very high.”
Samantala, napag-alaman ng SWS na 42 porsyento ang naniniwala na walang magiging pagbabago sa buhay, habang ayon sa 6 porsyento, lalala pa ito.
Base pa sa survey, bumaba rin ang net personal optimism para sa mga nakatapos ng elementary school mula +40 noong December 2022 sa +35 nitong March 2023.
Bumaba rin ang net personal optimism sa lahat ng kategorya para sa mga nakaranas ng gutom:
Hungry: +42 sa +33
Moderately hungry: +45 sa +43
Severely hungry: +29 sa +12