CEBU, Philippines – Umakyat na sa 11 ang nasawi sa landslide sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, ayon sa Cebu City Fire Station.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Wendell Villanueva, may 25 pa na nawawala at 12 ang nasugatan.
Simula Huwebes ng hapon ay isinasagawa na ang search and rescue operations sa nasabing site.
Pinatawan ng cease-and-desist order ng DENR Central Visayas ang operator ng landfill, Prime Integrated Waste Solutions, Inc., na sinuspinde rin ang operasyon.
Sinabi ng kumpanya na nakikipag-ugnayan sa gobyerno at lokal na pamahalaan para sa tulong sa mga naapektuhan at ipinaalala nilang ang kaligtasan ng kanilang empleyado at komunidad ang pangunahin nilang prayoridad. RNT/MND