MANILA, Philippines – Ayon kay Assistant Ombudsman Jose Dominic Clavano IV, ang balitang pagbawi ng testimonya ng dating DPWH officials sa Bulacan flood control anomalies ay para lamang “noise to us.”
Ani Clavano, maaaring bawiin sa kanila ang pagiging state witness kung sakaling bawiin din nila ang kanilang mga testimonya.
Iniulat na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza ay balak bawiin ang kanilang testimonya laban sa ilang senador at mambabatas na nasangkot sa scam, kabilang sina Sen. Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla, ngunit itinanggi ng DOJ na nakatanggap sila ng opisyal na affidavit mula kay Alcantara.
“There has been no official recantation by Alcantara whether written or verbal,” ayon sa DOJ. RNT/MND