KATHMANDU, Nepal – Hindi bababa sa 675 katao ang namatay sa matinding pagbaha malapit sa hangganan ng Nepal at China, ayon sa disaster authority ng Nepal noong Sabado.
Samantala, kinumpirma ng Chinese state media ang 7 namatay sa Tibet matapos ang kalamidad noong Miyerkules. Dahil dito, umabot sa 682 ang kabuuang bilang ng nasawi sa Nepal at China.
Nanatili sa 2,426 ang bilang ng mga nawawala sa Nepal matapos tumaas nang malaki ang tala noong Sabado ng umaga.
Kabilang sa mga nawawala ang 517 dayuhan at 933 manggagawa sa mga hydropower project sa ilog na tinamaan ng malakas na agos ng tubig.
Kasama rin sa listahan ang 45 sundalo ng Nepali Army, 40 pulis, at 19 immigration at customs officers.
Sa India, nakarekober ang mga awtoridad ng 7 bangkay mula sa mga ilog na nagmumula sa Nepal. Pinaniniwalaang mga biktima rin ito ng pagbaha, ngunit hindi pa kasama sa opisyal na death toll. RNT/MDS