MANILA, Philippines – Ang low pressure area (LPA) na minomonitor sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging tropical depression nitong Linggo ng umaga, Agosto 30, ayon sa PAGASA.
Bandang 8 a.m., ang Tropical Depression Pilandok ay namataan 1,245 kilometro silangan ng extreme northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 75 kilometro kada oras.
Kumikilos ang Pilandok pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Samantala, ang Tropical Depression Saudel, na dating lokal na tinawag na “Obet,” ay humina at naging LPA. May katamtamang posibilidad itong muling maging tropical depression.
Ayon sa PAGASA, nananatili ang Saudel sa labas ng PAR, 1,105 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng extreme northern Luzon. RNT/MDS