Home NATIONWIDE Bill sa agri services, cooperatives ginawang priority ng Palasyo – Kiko

Bill sa agri services, cooperatives ginawang priority ng Palasyo – Kiko

1
0

MANILA, Philippines -Inihayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na isinama ng Palasyo ang kambal na panukalang batas sa agrikultura – ang Agriculture and Fisheries Extension Act at Agricultural Cooperatives Act— priority bills na kinilala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sa pahayag, malugod na nagpasalamat si Pangilinan sa LEDAC na kinabibilangan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso at Sangay ng Ekhekutibo nang isama ang dalawang panukala na isinusulong ng senado mula nang makabalik sa Senado.

Binanggit ng senador ang agarang pangangailangan na magbigay sa magsasaka at mangingisda ng mas malakas na institutional support, better access sa technology at kaalamanan at mas epektibong istruktura ng kooperatiba.

“We need to get these bills across the finish line. Hindi sapat na hanggang salita at papel lang ang suportang nakukuha ng ating mga magsasaka at mangingisda. Kailangan nila ng konkretong sistema at serbisyo na talagang umaabot sa kanilang mga sakahan at pangisdaan,” ani Pangilinan.

Layuunin ng Senate Bill No. 1991, o ang Agricultural and Fisheries Extension Services Act, na lumikha ng mas malakas, mas tumutugonat mahusay na koorindasyon na national extension system na magbibigay sa magsasaka at mangingisda ng napapanahong tulong teknnikal, research-based technologies, climate-smart farming practices, at patuloy na capacity-building.

Sa Senate Bill No. 1990, naman o ang Agricultural Cooperatives Act, lilikhain nito ang Bureau of Agriculture Cooperatives upang palakasin ang kapasidad ng magsasaka at mangingisda na mag-organisa at makipagkumpetensiya nang epektibo.

Kapag naisagawa ito, maayos ng agricultural cooperatives na makakuhang financing, markets, equipment, at value-adding opportunities.

“Sa ngayon, hindi lamang napakahirap ng pinagdadaanan ng ating mga magsasaka at mangingisda dahil sa taas ng production costs, pero napag-iiwanan din sila ng mga makabagong teknolohiya, bagong pamamaraan, at bagong kaalaman,” giit ng senador.

“Hindi dapat napag-iiwanan ang mga magsasaka at mangingisda ng isang bansang hitik sa yamang lupa at dagat. Hawak ng mga magsasaka at mangingisda ang pangarap para sa kanilang sektor, ngunit nasa kamay ng mga lingkod-bayan ang kapangyarihang magbigay ng sapat na suporta at pagkakataon upang ito ay matupad,” dagdag niya.

Naniniwala si Pangilinan na mahigpit na magkaugnay ang dalawang panukala sa pangmatagalang programa sa food security agenda dahil kapag may malakas na sektor ng agrikultura at pangisdaan, magdudulot ito ng mas Mababang presyo ng pangunahing bilihin at pagkain na magpapalakas ng kapasidad ng ordinasyong mamimili.

“Ang dalawang batas na ito ay tungkol sa kinabukasan ng ating bayan at ng mga susunod na henerasyon. Tungkol ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda at ng milyon-milyong Pilipinong umaasa sa kanilang mga tanim at huli. Panahon na para mas lalo nating tutukan ang sektor ng agrikultura at pangingisda,” giit niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here