Home ENTERTAINMENT Billy, suportado ang love scenes ni Coleen sa ibang leading men!

Billy, suportado ang love scenes ni Coleen sa ibang leading men!

Manila, Philippines – Nakilala noon si Coleen Garcia sa paggawa ng sexy movies bago pa man siya nagpatali at nagkaanak kay Billy Crawford.

Ayon naman kay Billy, bilang isang aktor ay naiintindihan niya ang trabaho ng misis.

Hindi raw siya nakikialam sa kabiyak maging sa paggawa ng love scenes sa mga proyekto nito.

Aniya, ayaw daw niyang maging kontrabida kay Coleen kaya lagi raw niyang sinasabi rito na kapag gagawa ito ng love scenes o anumang maseselang roles ay iwaksi siya sa isip nito.

Pagbibiro pa niya, nakakatsika pa nga raw niya ang mga naging leading men nito.

Never din daw siyang nagselos sa mga naging kapareha nito maging sa intimate scenes.

“I think she has to understand na pagdating sa trabaho, she really has to take me away from the equation,” aniya.

“Kumbaga, she has to look at me as someone who fully supports kung ano ‘yung kailangan niyang gawin for the role, gawin niya lang,” dugtong niya.

Sa nasabing panayam, sinabi rin niya na very open sila at hindi nagtatago ng sikreto sa isa’t-isa magmula nang sila’y magkapamilya.

Itinuturing din daw nilang best friend ang bawat isa.

Sa kanilang dalawa, aminado rin siyang siya ang madalas na nangangalabit sa kabiyak. Archie Liao