Manila, Philippines – Natuloy na rin sa wakas ang pinigilang pagbiyahe ni Bimby pabalik ng Pilipinas.
Matatandaang mismong si Bimby ang nagkuwento sa panayam sa kanila ng inang si Kris Aquino kay Ogie Diaz na supposedly, his scheduled Manila-bound flight was last June 21.
Nakaempake na raw si Bimby but five hours before departure ay naglambing daw si Kris.
Hindi raw nito kakayaning mawalay sa bunsong anak.
Si Joshua kasi’y matagal nang nasa bansa at ayaw na raw mamalagi sa Los Angeles.
Anyway, nabisto na lang na nasa bansa na si Bimby nitong June 30, Linggo nang mag-post ng mga larawan sa Instagram ang loyal na
kasambahay ng yumaong tiyuhin nitong si dating President Noynoy Aquino.
Todo pasalamat nga si Yolly Yebes dahil nakuha siyang dalawin ni Bimby na siyempre brought her some goodies.
Tiyak na nadalaw na rin ni Bimby ang kanyang Kuya Joshua sa Tarlac.
Balita ring aasikasuhin ni Bimby ang kanyang mga school requirements sa kanyang pagbabalik eskuwela rito.
Mismong si Kris na rin ang nagsabing she doesn’t want to deprive her son the right to enjoy his last teenage life.
Aware din si Bimby sa mga do’s and dont’s tulad ng pag-inom sa mga aatenang parties nito.
Samantala, social media can sometimes be mean to innocent people.
Sukat ba namang ikinukumpara ang itsura ni Bimby sa mga anak ni James Yap kay Michaela Cazola, na guwapo’t maganda.
Dalawa ang anak ni James kay Michaela: Michael and Francine.
Baket, guwapo rin naman si Bimby at matalino pa, ‘no?! Ronnie Carrasco III