Home ENTERTAINMENT Clau, clueless sa political plan ni Greta!

Clau, clueless sa political plan ni Greta!

Manila, Philippines- Narinig din lang niya, pero hindi alam kung totoo nga.

Ganito kung ilarawan ni Claudine Barretto ang pinaugong nang balitang papasukin na rin ng kanyang Ate Gretchen ang mundo ng pulitika.

Ang tsika, no less than her close business partner Atong Ang is cajoling Gretchen to take a political plunge.

Balitang sa Congress ang inaasinta ni Gretchen bilang kinatawan ng ‘di pa malamang distrito sa lungsod ng Maynila.

Asked if there’s truth to it, ani Claudine: “Hindi ko alam. Narinig ko rin ‘yan, pero ako ito, ha? Parang hindi naman!”

In short, hindi naniniwala si Claudine na tototohanin ng kanyang ate ang balak nitong tumakbo para sa isang local post.

Siguro’y dala na rin ng ‘di pa naman opisyal na pagpapahayag mismo ni Gretchen.

Eh, ‘di sana’y may natisod na tayo sa social media.

Pero paanong sa pamamagitan ng social media iaanunsyo ni Gretchen ang kanyang political agenda, hindi ba’t mismong si Claudine na rin ang nagsabing her elder sister is taking a break from it all?

Dahilan daw ni Greta for laying low in social media ay para makaiwas sa kanyang mga bashers.

Pero kung totoo ngang desidido na si Gretchen with her political entry, will Claudine be around to support her?

“One hundred percent! Puwede ba namang hindi ko siya suportahan?” ani Claudine.

Matatandaang Claudine tried her luck heeself when she ran but lost bilang Konsehal sa Olongapo noong 2022 elections.

Aniya, kung hindi raw para sa kanya ang pulitika ay so be it. Ronnie Carrasco IIi