Home METRO Binaril na Kano ng naarestong rapper sa Cebu pumanaw na

Binaril na Kano ng naarestong rapper sa Cebu pumanaw na

CEBU CITY, Philippines – Mahaharap sa kasong murder si Range999, ang Cebu-based rapper na nakakulong dahil sa pamamaril sa isang dayuhan sa labas ng sikat na bar sa Cebu City noong Linggo, matapos mamatay ang biktima – tatlong araw mula nang mangyari ang krimen.

Kinumpirma ni Police Major Romeo Caacoy, hepe ng Mabolo Police Station sa isang ulat na namatay ang biktima na kinilalang si Michael George Richey nitong Martes ng hapon, Marso 19.

Inamin naman ni Range999 o Jed Andrew Salera sa totoong buhay, ay umamin sa pagbaril kay Richey, na aniya ay nambastos umano sa kanyang mga kaibigang babae.

Nagtamo ng malubhang tama ng bala sa kanyang balikat ang American national at na-confine siya sa isang pribadong ospital hanggang sa binawian ng buhay bandang alas-5 ng hapon. sa Martes.

Bilang resulta, kakasuhan ng pulis si Range999 ng murder sa halip na frustrated murder.

Mahaharap din si Salera sa kasong illegal possession of unlicensed firearm. RNT

Previous articlePinas posibleng lumago sa $2-trillion economy sa susunod na dekada – WEF
Next articleTiyuhin patay sa pamangkin sa away-kalabaw