Home NATIONWIDE Pinas posibleng lumago sa $2-trillion economy sa susunod na dekada – WEF

Pinas posibleng lumago sa $2-trillion economy sa susunod na dekada – WEF

MANILA, Philippines – Posibleng lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa hanggang $2 trilyon sa susunod na dekada sakaling ipagpatuloy ng bansa ang mga reporma nito upang makaakit ng mga pamumuhunan, sinabi ng World Economic Forum (WEF) nitong Martes.

“We are optimistic, bullish on the Philippines, provided that the reforms are continuing,” ani WEF president Børg Brende sa isang press conference sa Manila.

“The World Economic Forum, we are very bullish on the Philippines, provided that reforms do continue. I think that this could be in the coming decade, a $2-trillion economy if there are further investments, in education, infrastructure, and also able to draw on the great competence of the people of the Philippines,” dagdag pa ni Brende.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng mahigit P24 trilyon o mahigit $400 bilyon noong 2023. Ang ekonomiya na sinusukat sa gross domestic product ay lumago ng 5.6% noong 2023.

Sinabi ng hepe ng WEF na ang pagpapalakas ng mga pamumuhunan sa up-skilling at right-skilling ng 110-milyong populasyon ng Pilipinas ay makakatulong sa higit pang palakasin ang ekonomiya.

Idinagdag ni Brende na dapat pagbutihin pa ng Pilipinas ang pagpapadali ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagputol ng red tape at mga burukratikong proseso.

Sa kabila naman ng “ilang geopolitical tensions” sa rehiyon, sinabi ng WEF chief na may pagkakataon pa rin ang Pilipinas na makakuha ng mas mataas na pamumuhunan, “lalo na sa manufacturing area.”

Sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na ang Pilipinas ay kailangang umunlad nang higit sa kasalukuyang paglago nito na 6% upang makahabol sa “mas maunlad na mga kapitbahay na bansa nito.” RNT

Previous articleMekanismo para mapakinggan ang mga guro pinatatatag sa DepEd
Next articleBinaril na Kano ng naarestong rapper sa Cebu pumanaw na