Home METRO Binata umawat sa away ng ama, tinarakan

Binata umawat sa away ng ama, tinarakan

204
0

CAVITE – Isang 23-anyos na maintenance employee ang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng kamag-anak ng kaalitan ng kanyang ama nang tinangka nitong mamagitan sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, idinala sa De La Salle University Medical Center ang biktimang si alyas John, binata ng Brgy. San Dionisio, Dasmariñas City, Cavite dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Kaagad namang naaresto ang suspek na si alyas Joey, 43, isang vendor ng Brgy. San Dionisio ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bandang ala-1:40 ng hapon nang naganap ang insidente sa Brgy. San Dionisio, Dasmariñas City, Cavite kung saan palabas sa kanilang bahay ang biktima nang nakitang kaalitan ng kanyang ama ang kamag-anak ng suspek.

Tinangka ng biktima na mamagitan sa away ng kanyang ama at kaalitan nito nang sumulpot ang suspek na may dalang patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima.

Bagama’t may tama ng saksak ang biktima, tinangka nitong tumakas subalit hinabol pa rin siya ng suspek at muling inundayan ng saksak sa likod.

Nakahingi ng tulong ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here