Home METRO Binata, utas sa Florida bus

Binata, utas sa Florida bus

3
0

TUMAUINI, Isabela – Halos magkandadurog ang ilang bahagi ng katawan ng isang 30-anyos na binata matapos mabangga at masagasaan ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Ugad, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si “Anton,” binata at residente ng Purok 2, Brgy. Ugad, Tumauini.

Dakong alas-5:10 ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan binabagtas umano ng isang Florida Bus na may body number GD169 at minamaneho ng isang 58-anyos ang northbound lane patungong Cabagan nang marating nito ang lugar ng insidente.

Napag-alaman na hindi napansin ng drayber ang biktima na nakatayo sa inner lane ng highway dahilan upang mabangga ito.

Dahil sa lakas ng impact, tumumba ang biktima sa kalsada at tuluyang nasagasaan ng naturang sasakyan.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang insidente, kusang-loob na sumuko ang drayber sa mga tauhan ng Tumauini Police Station kasama ang minamaneho nitong pampasaherong bus.

Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here