Home METRO Binata utas sa pick-up truckMETRONATIONWIDETOP STORIES Binata utas sa pick-up truckDecember 13, 2024 13:00 FacebookTwitterPinterestWhatsApp LA UNION- Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong Yamaha Super X-1 motorcycle sa Isuzu Dcab Pick-up.Nangyari ang aksidente bandang alas-11:45 kagabi, Disyembre 12, sa McArthur Highway sa Brgy. San Benito Sur, Aringay, La Union.Ayon sa mga awtoridad, ang driver ng motorsiklo at ang 35-anyos na driver ng Isuzu Dcab pick-up ay parehong residente ng Caba, La Union.Nabatid na bumibiyahe ang motorsiklo papuntang timog sa naturang highway.Pagdating nito sa pinangyarihan ng insidente, biglang pumasok sa McArthur Highway ang pick-up na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at agad na isinugod sa La Union Medical Center sa Agoo, La Union.Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Isuzu Dcab pick-up. Rolando S. Gamoso