Home METRO Binatang nambully ng bata kulong

Binatang nambully ng bata kulong

Bulacan – Kulong ang 19 anyos na binata matapos umanong mambully, mangbugbog at magbantang papatayin ang batang kapitbahay na naglalaro sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas “Lo” habang ang biktima ay itago sa pangalang Kas, 11, kapwa residente ng Brgy. Gaya-gaya.

Sa report ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang 4:00 ng hapon nitong Marso 16, sa nabanggit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro ang biktima sa bakanteng lote nang lumapit ang suspek at walang kaabog-abog na binully ito.

Nabatid na hindi nakuntento ang suspek sa kanyang pambubully dahil pinagsusuntok niya umano ang biktima sa ibat-ibang parte ng katawan at pinagbantaang papatayin.

Nang makauwi ang biktima ay sinabi niya sa kanyang ina ang nangyari na agad nagsumbong sa mga Barangay Tanod na rumesponde sa lugar kaya nahuli kalaunan ang suspek at sinuko sa mga awtoridad.

Nahaharap ang suspek sa kasong Physical Injuries in relation to RA 7610 habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III