MAGUINDANAO DEL SUR- DUGUAN bumulagta sa kanyang pwesto ng isdaan ang isang tindero makaraan pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek nitong Sabado, Marso 15 sa bayan ng Buluan.
Kinilala ang biktimang si Hansor Guiapal, nasa hustong gulang at residente ng Buluan sa Maguindanao del Sur.
Batay sa report ng Buluan Municipal Police station, bandang 11:20 AM nang maganap ang krimen sa loob ng Buluan Public Market.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan nasa kanyang puwesto ng isda ang biktima ng biglang dumating ang armadong suspek.
Dito, walang babalang pinagbabaril ang biktima ng malapitan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip. Mary Anne Sapico