Home METRO Binatilyo nabagsakan ng ginigibang bahay, putol binti, kamay

Binatilyo nabagsakan ng ginigibang bahay, putol binti, kamay

121
0

MANILA, Philippines – Naputol ang kamay at binti ng isang binatilyo matapos maipit sa bumagsak na bahagi ng isang bahay na ginigiba sa Tondo, Maynila noong Lunes.

Nagtulong-tulong ang ilang residente upang maalis ang biktima sa pagkakaipit sa guho at isinugod sa ospital, kung saan kasalukuyang ginagamot dahil sa matinding pinsalang tinamo.

Ang biktima ay may kasamang isa pang binatilyo na naipit din sa guho at nagtamo ng minor injuries sa ulo at mga braso.

Napag-alaman na bumalik sa abandonadong bahay ang biktima upang makalakal o kumuha ng mga bakal mula sa mga ginigibang bahay para ibenta.

Hindi umano nagawang tumalon ng biktima nang bumagsak ang debris dahil sumabit ang kanyang shorts.

Gawain na umano ng biktima ang mangalakal upang mabuhay at matulungan ang kanyang mga kapatid habang nasa kulungan ang kanilang mga magulang.

Nangako naman ang pamahalaang lungsod ng Maynila na magbibigay ng tulong sa biktima.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here