Home METRO Binatilyo patay, nanay kritikal sa martilyo ng kuya

Binatilyo patay, nanay kritikal sa martilyo ng kuya

219
0

GENERAL SANTOS CITY- PATAY ang isang binatilyo habang kritikal sa ospital ang kanilang ina matapos silang martilyuhin sa ulo ng kanyang kuya, kahapon ng umaga, Oktubre 13 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Emil, 16, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang kanilang ina na si Elma Momay Cacosia, 53, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jessie Carcosia, lahat ay residente ng Zone 6, Block 6,Brgy Fatima, General Santos City.

Batay sa report ng GenSan-PNP, naganap ang krimen umaga ng linggo sa tahanan ng mag-iina sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng kapitbahay ng mag-iina ang nasabing pangyayari matapos makarinig ng komosyon at iyakan.

Mabilis naman rumesponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar at naabutan nila ang suspek na hawak ang martilyo at puro dugo ang kamay nito.

Agad naman dinala sa ospital ang mag-inang Emil at Elma para lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa ulo subalit idineklara na rin patay ang batang Carcosia.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay nasa kritikal na kondisyon si Elma.

Nasa kustodiya ngayon ng GenSan-PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here