Home HEALTH Bloodletting activity sa World Blood Donor Day isinagawa ng NPC, PH Red...

Bloodletting activity sa World Blood Donor Day isinagawa ng NPC, PH Red Cross

MANILA, Philippines – Isinagawa ng National Press Club (NPC) katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) ang isang bloodletting activity nitong Biyernes, bilang bahagi ng selebrasyon ng World Blood Donor Day sa Hunyo 14.

May temang “Dugo Alay sa Buhay”, layunin ng aktibidad na matiyak ang sapat na suplay ng dugo sa mga ospital para sa mga pasyente, lalo na sa oras ng medical emergencies.

Hindi lamang ito para sa pagsagip ng buhay, kundi layunin din ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng regular na pagdo-donate ng dugo, at upang mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng blood supply sa bansa.

Kabilang sa mga nakiisa sa blood donation activity ang mga kawani mula sa:

Philippine Coast Guard (PCG)

Bureau of Fire Protection (BFP)

Philippine Navy (PN)

Philippine National Police (PNP)

Philippine Marines

Metro Manila Development Authority (MMDA)

at mga miyembro ng media.

Noong nakaraang Enero, nakapangalap ang NPC ng 263 blood bags mula sa 270 donors.

Ayon kay NPC President Boying Abasola, umaasa silang malalagpasan ang nakaraang bilang ng mga blood donors ngayong Hunyo 13, matapos lumahok ang halos 200 kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)