Home NATIONWIDE Board member sa Pampanga himas-rehas sa estafa

Board member sa Pampanga himas-rehas sa estafa

201
0

MANILA, Philippines – Himas-rehas si Pampanga 3rd District Board Member Shiwen Lim matapos arestuhin sa kanyang opisina sa loob ng Pampanga Provincial Capitol sa Lungsod ng San Fernando ng mga kapulisan.

Ayon kay PCol. Eugene Marcelo, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office o PPPO ay non-bailable ang kanyang kasong kinakaharap.

Sa kasalukuyan ay inaayos pa ng mga awtoridad ang mga kinakailangang dokumento habang hinihintay ang desisyon ng korte kung saang detention facility dadalhin si Lim habang nagpapatuloy ang proseso ng kanyang kaso.

Nahaharap si Lim sa ilang kaso kabilang ang tatlong bilang ng estafa, habang may mga reklamo rin ng large-scale estafa na inihain ng ilang complainant.

Ayon sa mga nagreklamo, umano’y inanyayahan silang mamuhunan sa mga negosyo na hindi umano nagbigay ng ipinangakong kita, kung saan ang halaga ng umano’y nalugi ay mula sa libo hanggang umabot sa humigit-kumulang ₱1 milyon bawat investor.

Nauna namang sinabi ni Lim na nalugi ang kanyang mga negosyo at itinangging siya ay umiiwas sa kanyang mga obligasyon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here