Home METRO Bomb threat sa FEU-Manila, walang nakitang bomba

Bomb threat sa FEU-Manila, walang nakitang bomba

3
0
📸: FEU Advocate/Facebook

MANILA, Philippines – Nagdulot ng pangamba sa mga estudyante at faculty ng FEU Manila ang umano’y bomb threat na ipinadala sa social media account ng unibersidad noong gabi ng Setyembre 23.

Matapos matanggap ang banta sa Facebook Messenger business chat ng FEU Manila, agad na sinuspinde ang mga klase kinabukasan.

Nakipag-ugnayan din ang FEU Manila Safety and Security Office sa mga awtoridad para sa beripikasyon at security assessment.

Nagmula ang banta sa mensaheng, “May bombs po na nakatanggap ngayon inside the main campus .Tinamin po ng ex be ko sana po ma-actionan agad.”

Una umanong kumalat ang mensahe sa MedTech Society at student council group chats bago ito ini-report ng unibersidad.

Nag-deploy ang pulisya at Explosive Ordnance Disposal and Canine (EOD-K9) team sa campus upang magsagawa ng security procedures at bomb sweep.

Natapos ang assessment bandang 9:40 ng gabi at walang nakitang bomba o mapanganib na materyal sa loob at paligid ng FEU Manila campus. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here