Home NATIONWIDE Bomb threat sa toilet paper natagpuan sa eroplano sa Zamboanga

Bomb threat sa toilet paper natagpuan sa eroplano sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng bomb threat ang isang pampasaherong eroplano sa Zamboanga International Airport nitong Sabado ng umaga, Hunyo 14.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nadiskubre ng cabin crew member ng Cebu Pacific flight 5J851 mula sa Manila ang rolyo ng toilet paper sa loob ng lavatory ng eroplano na may nakasulat na “may bomba.”

Agad na iniulat ng flight attendant ang sitwasyon sa ground security personnel.

Agad na rumesponde ang CAAP sa pamamagitan ng Zamboanga International Airport (ZIA), at nagtalaga ng aviation security unit na nagsagawa ng inspeksyon sa eroplano.

Nakumpleto ang inspeksyon 8:58 ng umaga at walang natagpuang pampasabog.

“By 8:59 AM, the situation was declared under control, and normal operations at Zamboanga International Airport resumed. All passengers were cleared for boarding, and flight activities continued without further disruption,” ayon sa CAAP.

Itinuturing ng CAAP ang insidente bilang isang serious security concern.

“The public is strongly reminded that bomb threats, whether made verbally, in writing, or through any other means are punishable under Presidential Decree No. 1727, which criminalizes the malicious dissemination of false information concerning bombs or explosives.” RNT/JGC