MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Cagayan nitong Sabado ng hapon, Hunyo 14.
Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 10 kilometro.
Tumama ito 5:27 ng hapon, kung saan ang epicenter ay naitala limang kilometro timog kanluran ng Sanchez Mira, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang Intensity 1 ng lindol sa Claveria, Cagayan.
Inaasahan naman ang aftershock kasunod ng lindol. RNT/JGC