Home ENTERTAINMENT Bong, biktima ng iligal na product endorsement!

Bong, biktima ng iligal na product endorsement!

Manila, Philippines – Mukhang sa mga pamilihan sa Greenhills, San Juan nagkalat ang mga ibinebentang juice drink in tetrapack kung saan nakabalandra ang mukha ni Sen. Bong Revilla.

Nagbanta kasi ang manager nitong si Lolit Solis na susugod sa mga pamilihang ‘yon.

Paano naman daw kasi, walang pahintulot ang manufacturing company ng nasabing juice drink mula sa mambabatas.

Ginagamit nga naman ang mukha ni Bong para sa interes ng kanilang iligal na negosyo.

Nakarating na sa kaalaman ‘yon ni Bong na mabuti na lang daw ay walang planong gumawa ng ligal na hakbang laban sa juice company.

Gayunpaman, ang mas inaalala raw ng pulitikong aktor ay ang kaligtasan ng mga mamimili.

Gaano raw nakatitiyak na safe for public consumption ang inuming ‘yon gayong hindi dumaan sa ligal na paraan ang may-ari ng kumpanya para llagay ang mukha ni Bong sa packaging nito?

Sa ngalan nga ng senador, nananawagan si Lolit na huwag tangkilikin ang produktong ‘yon na maaaring makaapekto pa sa kalusugan ng consumer.

Binalaan din ni Lolit ang iba pang mga negosyante na huwag gamitin ang mga inosenteng artista para bumenta lang ang kanilang mga produkto.

Hindi lang si Bong sa hanay ng mga kilalang personalidad ang iligal na pinagkakakitaan ng mga fly-by-night traders.

Nariyan sina Sharon Cuneta, Ai Ai de las Alas, Amy Perez, Ogie Diaz, to name a few.

Mangyaring ipagbigay-alam sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga ganitong kaso ng unfair competition. Ronnie Carrasco III