MANILA, Philippines – Nangunguna si Senator Bong Go a sa pinakabagong senatorial preference survey ng Pulse Asia, na isinagawa noong Pebrero 20 hanggang 26.
Nakakuha si Go ng 58.1% na suporta habang 56.6% naman si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, dahilan para magbahagi sila ng unang dalawang puwesto.
Bumaba ang suporta kay Tulfo mula 62.8% noong Enero survey patungo sa 56.6% ngayong Pebrero, habang umangat si Go sa top ranking.
Nasa ikatlo hanggang ikaapat na puwesto si dating Senador Tito Sotto na may 49% na suporta, kasunod sina Senators Bong Revilla (46.1%) at Ronald “Bato” Dela Rosa (44.3%).
Kabilang din sa top 13 sina Willie Revillame (42.3%), Ben Tulfo (40.7%), Manny Pacquiao (39.9%), Lito Lapid (39.4%), Abby Binay (37.6%), Pia Cayetano (37.5%), Camille Villar (36.6%), at Ping Lacson (35.8%).
Ayon sa Pulse Asia, karamihan sa mga nangungunang kandidato ay kasalukuyang mambabatas o dating opisyal at kaalyado ng administrasyong “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.” RNT