Home NATIONWIDE Bong Go tumulong sa libu-libong residente sa Digos City

Bong Go tumulong sa libu-libong residente sa Digos City

MANILA, Philippines – Upang mailapit ang mahahalagang serbisyo publiko sa mamamayang Pilipino, personal na tinulungan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga mahihirap na residente at sinaksihan ang turnover ng Super Health Center sa Digos City, Davao del Sur.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng gobyerno para sa mga Pilipino, partikular sa pinakamahihirap na miyembro ng lipunan.

Idinaos sa City Gymnasium, 2,000 benepisyaryo ang tumanggap ng iba’t ibang uri ng tulong mula kay Go at sa kanyang Malasakit Team, tulad ng mga grocery packs, meryenda, bitamina, mask, kamiseta, bag, basketball, at volleyballs. May mga piling nakatanggap ng bisikleta, relo, cell phone, at sapatos.

Sa inisyatiba ni Senator Go, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Josef Cagas, nakatanggap ng suportang pinansyal mula sa gobyerno ang mga naghihirap na residente.

Pinuri ni Go ang pagsisikap ng mga lokal na opisyal, kabilang sina Congressman John Tracy Cagas, Governor Yvonne Roña Cagas, Vice Governor Riafe Cagas-Fernandez, Mayor Josef Cagas, Vice Mayor Atty. Johari Baña, mga konsehal ng lungsod, at mga kapitan ng barangay, bukod sa iba pa, para sa kanilang patuloy na suporta sa kanilang mga nasasakupan.

Pinasalamatan naman ni Mayor Cagas ang senador sa pagbisita nito at patuloy na pagseserbisyo sa publiko.

“Senator Bong, sampu ng mga taga Digos City, maraming salamat (maraming salamat) sa napakaraming tulong na naibigay ninyo sa amin. Hindi niyo po kami tinalikuran sa ano mang hamon na pinagdaanan ng Digos City.”

Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, binigyang-diin ni Go ang kanyang inisyatiba upang maibigay sa lahat ang mga serbisyong pangkalusugan ng gobyerno kasabay ng personal na pagdalo sa turnover ng Super Health Center sa Brgy. Zone, Digos City.

“Alam ko po na isa sa mga hamon ng ating mga residente ay ang pagkakaroon ng access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan dahil sa layo ng mga pasilidad. Kaya naman patuloy kong isinusulong ang pagtatayo ng mas marami pang Super Health Centers sa buong bansa,” sabi ni Go.

Nu’ng araw ding iyon, nakiisa rin si Go sa 57th Araw ng Davao del Sur kasama si Governor Yvonne Cagas na dinaluhan ng kapwa niya Mindanaoan Senator Ronald “Bato” dela Rosa. RNT