Home NATIONWIDE Bong Go umarya sa survey ng Pulse Asia

Bong Go umarya sa survey ng Pulse Asia

MANILA, Philippines – Lalo pang tumatag si Senator Christopher “Bong” Go, kilalang health reforms crusader, sa kanyang kinalalagyan bilang top senatorial contender sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3.

Nasa ika-3 hanggang ika-4 na posisyon, ang awareness rating ni Go ay tumaas din sa 99%, habang ang kanyang voting preference ay umakyat sa 54.7% mula sa 40.3% noong Setyembre.

Umangat din ang kanyang trust rating at performance ratings kumpara sa nakaraang quarter.

“Malaking pasasalamat ko sa mga kababayan natin na patuloy ang suporta at tiwala. Isa lang ang layunin ko: magserbisyo at makatulong sa kapwa ko Pilipino sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go.

Ang legislative accomplishments ni Go ngayong taon at sa mga nakaraang taon ay nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang public servant na nakatuon sa paglalapit ng mga serbisyo sa mga Pilipino, partikular sa health, youth, sports, disaster resilience, at iba pa.

“Ang resulta ng mga survey na ito ay inspirasyon para sa akin na patuloy na magtrabaho para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Ang tiwala na ibinibigay sa akin ay isang responsibilidad na kailangang tapusin ng patuloy na serbisyong may tunay na malasakit,” ayon kay Senator Go.

Sa ngayon, nakagawa si Go ng 16 batas, nag-isponsor sa 80 batas, kabilang ang 78 panukala para sa pagtatatag o pag-upgrade ng mga pampublikong ospital. Nag-co-author o co-sponsor din siya ng 185 iba pang batas.

Kabilang sa kanyang pinakakilalang kontribusyon ay ang Republic Act No. 11463, na kilala rin bilang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahin niyang iniakda at itinaguyod.

Ang batas na ito ay nag-institutionalize sa Malasakit Centers program, na may 166 centers na ngayon at patuloy na nag-ooperate sa buong bansa. Umaabot na sa mahigit 15 milyong Pilipino ang natulungan ng Malasakit Center.

Gumanap din si Go ng mahalagang papel sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11959, ang Regional Specialty Centers Act bilang principal sponsor at isa sa mga may-akda nito.

Higit pa sa kalusugan, siya rin ang pangunahing sumulat at nag-sponsor ng Republic Act No. 12076, o ang Ligtas Pinoy Centers Act, na nag-uutos sa pagtatatag ng mga fully-equipped, dedicated evacuation centers sa buong bansa. Nilagdaan bilang batas noong Disyembre 6, ang panukalang ito ay naglalayong protektahan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa mga natural na sakuna. RNT