JAPAN – Nagsimula na ang Japan sa pagsasagawa ng research upang mapag-aralan ang posibilidad na matirahan ang buwan.
Nagsanib-pwersa ang Kyoto University at construction giant Kajima Corp, plano nitong i-develop ang isang lunar habitat na gayang gumawa ng artificial gravity.
Layon ng “Neo Lunar Glass” project na lumikha ng paraboloid structure na kayang gayahin ang Earth-like conditions sa paggamit ng rotation sa paglikha ng gravity.
Inaasahang makukumpleto sa 2030 ang ground-based prototype.
“This project demands a significant technological leap, but we aim to achieve it and pave the way for space colonies,” ayon kay Yosuke Yamashiki, professor ng advanced integrated studies in human survivability sa Kyoto University.
Ang Lunar Glass structure ay magkakaroon ng sukat na 200 metro sa diameter, at 400 metro ang taas na kayang tumanggap ng 10,000 katao.
Inaasahang ilulunsad ang proyekto sa kasalukuyang fiscal year. RNT/JGC