Home ENTERTAINMENT Greta at Sunshine, nagpasiklaban sa pamigay na grocery!

Greta at Sunshine, nagpasiklaban sa pamigay na grocery!

Manila, Philippines – Tandang-tanda pa ng entertainment press ang love box ni Gretchen Barretto.

Hindi lang isang beses kundi makatlong beses namahagi nito si Gretchen noong kasagsagan ng pandemya.

Ang kapuri-puri pa, tila wala ni isang miyembro ng press ang na-miss out–close man o hindi sa aktres.

Bale ba, hindi lang press ang binigyan ng ngiti ni La Greta kundi maging kapwa artista.

Gretchen’s act of generosity sa panahong kailangang-kailangan ng ayuda was far from being selective.

Here comes the glaring comparison.

May pa-Christmas bag of grocery items din kasi si Sunshine Cruz.

Ang kay Sunshine ay halos similar to Greta’s love box–may imported stuff din na mamahalin.

‘Yun nga lang, hindi lahat ay nabahaginan–namili lang?

The intriguing part, nangyari ito matapos umamin si Atong Ang sa kanilang relasyon ni Sunshine.

Advice din kaya ni Atong kay Sunshine to play Santa Claus?

Malamang nga sa hindi that it’s all Atong’s money that was spent on the holiday freebies.

Sana ol! Ronnie Carrasco III