Home NATIONWIDE Bong Go una sa ‘top-of-mind’ choice ng senatorial survey

Bong Go una sa ‘top-of-mind’ choice ng senatorial survey

MANILA, Philippines- Nangunguna si Senator Christopher “Bong” Go sa mga pinagpilian sa ‘top-of-mind’ unaided senatorial preference, ayon sa pinakahuling Publicus PAHAYAG 2025 nationwide survey na isinagawa noong Oktubre 16-17.

Ang unaided survey na humihiling sa mga respondent na pangalanan ang mga kandidato sa pagkasenador nang walang listahan ng pagpipilian, ay naglagay kay Go sa unahan ng mga opisyal na deklaradong tatakbo.

Nakakuha rin si Go ng solid 35% voter preference sa aided portion ng survey, kung saan ipinakita sa respondents ang list of officially declared senatoriables na naghain na ng kandidatura.

Sa consistent performance na ito kapwa sa unaided at aided surveys ni Go, pinatutunayan lamang ang subok nang track record at trusted position ng senador sa mga botante para sa nalalapit na 2025 national elections.

“Nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinibigay ninyo sa akin kung kaya hindi ko rin sasayangin ang oportunidad na ibinigay niyo sa akin na makapaglingkod sa inyo. Patuloy akong magseserbisyo sa abot ng aking makakaya nang buong puso na may pagmamalasakit sa kapwa,” ang pahayag ni Go.

Ang pangungunang ito ni Go sa nasabing survey ay dahil na rin sa kanyang adbokasiya sa pangangalagang pangkalusugan, sa edukasyon, kabataan, sports, disaster resilience, paglikha ng trabaho, seguridad sa pagkain, at sa kaayusan ng publiko.

Ang mga pagsisikap niyang ito ay lalong nagpatibay sa kanyang track record sa pagtulong na mailapit ang mga serbisyo sa mamamayan, partikular na sa mahihirap na sektor.

Ipinaliwanag ni Go na ang serbisyo ay hindi lamang isang responsibilidad kundi isang pangunahing bahagi ng kung sino siya.

“Noong ako’y nagseserbisyo kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, palagi kong naririnig na sinasabi niya, ‘Just do what is right.’ At ‘yan ang patuloy kong sinusunod. Gawin lang ang tama, unahin ang kapakanan ng mga mahihirap, at hindi ka magkakamali.” RNT