Home NATIONWIDE Bonoan haharap sa Senate probe sa flood control projects

Bonoan haharap sa Senate probe sa flood control projects

224
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Public Works Secretary Manuel Bonoan na dadalo siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga umano’y iregularidad sa mga flood control projects, at sinabing nagsimula na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga inspeksyon sa buong bansa.

Binanggit ni Bonoan na ang DPWH team ay nagsimula nang pagsamahin ang mga inspection reports noong nakaraang linggo upang matukoy ang mga kwestyunableng proyekto at kung kinakailangan ay magsagawa ng buong pag-audit na maaaring humantong sa mga parusa.

Tumugon din siya sa mga ulat mula kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor tungkol sa substandard na dike sa lalawigan.

Tinatanggap din ni Bonoan ang plano ng Commision on Audit na magsagawa ng fraud audit ng flood control projects kabilang ang Bulacan.

Dagdag pa niya, magpapataw ng sanction ang DPWH sa mga tauhang mapapatunayang sangkot sa iregularidad.

Itinakda ang pagdinig sa Senado sa flood control projects ngayong Martes, Agosto 19.

Ang pagsisiyasat ay hindi lamang tutuon sa mga kontratista na pinag-uusapan kundi sisikapin din na ungkatin ang mga public officials na walang kahihiyang nakinabang sa flood control. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here