Home NATIONWIDE DOLE magdaraos ng nationwide job fair ngayong araw

DOLE magdaraos ng nationwide job fair ngayong araw

251
0

MANILA, Philippines – Malaking oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho ang ilalabas ng Depatment of Labor and Employment (DOLE) na listahan ng kanilang nationwide job fair ngayong Agosto 19.

Ang mga job fair ay gagawin sa mga sumusunod na lugar:

1. National Capital Region

– Ayala Malls Cloverleaf, Balintawak

– SM North Edsa Skydome

2. Cagayan Valley

– SM Downtown, Ugac Highway, Tuguegarao City, Cagayan

3. Bicol region

– Fuerte Sports Complex, Pili, Camarines Sur

– BECS Covered Court, Bacacay, Albay

4. Central Visayas
– PESO Lobby, Convention Center, Dumaguete City, Negros Oriental

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang unemployment rate sa bansa ay bumagsak mula 3.9% noong Mayo sa 3.7% noong Hunyo, kung saan naging 1.95 milyon ang walang trabahong Pilipino mula sa 2.03 milyon noong Mayo.

Samantala, ang mga underemployed Filipinos o mga naghahanap ng karagdagang trabaho o oras ng pagtatrabaho ay nasa 11.4% o 5.76 milyon na bumaba mula noong Mayo na 13.1% o 6.6 milyon.

Bilang tugon sa June 2025 Labor Force Survey ng PSA, sinabi ng DOLE na patuloy nitong pinalalakas ang youth at adult employability programs para sa unemployed Filipinos.

Sinabi ng ahensya na mapapahusay nito ang sistema ng impormasyon sa labor market, kabilang ang online portal ng PhilJobNet upang magbigay ng mga real-time na oportunidad sa trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here