Home NATIONWIDE Bookstore sinita ng Comelec sa election material signage

Bookstore sinita ng Comelec sa election material signage

MANILA, Philippines- Pinagsabihan ng Commission on Elections ang isang bookstore dahil sa paglalagay ng signage ng “election materials essential” sa isang sangay nito sa Metro Manila.

Ayon sa Comelec, ito ay nakababahala dahil kabilang sa sinasabing election essential ay money at coin envelop.

Pinangangambahan din ng komisyon na maaaring magamit ito sa vote buying ngayong halalan.

Sumunod naman ang naturang bookstore sa patakaran ng komisyon kaya agad na inalis ang nasabing signage.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng kanilang sangay at tiniyak na tatalima sa rules and regulations ng komisyon. Jocelyn Tabangcura-Domeden