Home NATIONWIDE Booster pumps magpapabilis sa oil siphoning ng MT Terranova – PCG

Booster pumps magpapabilis sa oil siphoning ng MT Terranova – PCG

MANILA, Philippines – Umaasa ang Philippine Coast Guard (PCG) na magpapabilis sa siphoning ng 1.4 milyong industrial fuel oil mula sa lumubog na Motor Tanker (MTKR) Terranova sa Bataan ang pagdating ng booster pumps.

Ang contracted salvor na Harbor Star, ay kaya lamang kumulekta ng 42,000 litro ng langis mula nang simulant ang “full blast” siphoning operations nitong Miyerkules, Agosto 21 ngunit malayo pa ito sa target na 200,000 litro kada araw para matapos ito sa loob ng dalawang lingo.

“The Harbor Star, yung salvor natin actually proposed nga itong kanilang target na 200,000 liters a day. But unfortunately, because of the booster pumps ay hinihintay po nating dumating at nag-order na rin po sila. Ito po yung mga dahilan kung bakit mas nabawasan po yung ating collection,” sinabi ni PCG Bataan Station commander Lieutenant Commander Michael John Encina sa isang virtual presser.

“We are hoping at the weekend po, madagdagan pa yung kanyang booster pumps para mas mapabilis at mas mapadali po, at ma-reach po yung two-weeks time po nila,” dagdag niya.

Matatandaan na lumubog ang MTKR Terranova noong Hulyo 25 sa 3.6 nautical miles silangan ng Lamao Point, sa Limay.

Isinailalim ang Bataan at ilang bayan sa Cavite sa state of calamity dahil sa oil spill na dulot nito.

Nangako naman ang may-ari ng MTKR Terranova na magtatayo ng claim centers sa lahat ng apektadong lugar para bayaran ang mga naapektuhan ng oil spill. RNT/JGC