Home NATIONWIDE Bosero, himas-rehas sa pag-video sa naliligong bebot

Bosero, himas-rehas sa pag-video sa naliligong bebot

205
0

MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang boserong lalaki matapos umano’y lihim na kinuhanan ng video ang isang babae habang ito ay naliligo sa loob ng isang boarding house sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si “Joy”, 44 anyos, single at isang private employee na kasalukuyang tumutuloy sa kanyang boarding house habang ang suspek naman ay kinilalang si “Benny,” residente rin sa kaparehong lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang naliligo at nakahubad ang biktima sa loob ng kanyang boarding house, napansin niya ang kahina-hinalang bagay sa ibabaw ng cabinet na malapit sa kisame.

Nang kanyang suriin, nadiskubre niyang ito ay isang cellphone na nakatutok pababa at nakapokus sa kanya habang siya ay naliligo at posibleng nire-record nang walang pahintulot sa kanya.

Habang inoobserbahan ang cellphone, napansin umano ng biktima ang kamay na may pulang singsing na agad niyang nakilala.

Agad siyang nagtungo sa katabing-silid at hinarap ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang cellphone na tumutugma sa naunang napansin ng biktima, at positibo niya itong nakilala sa pamamagitan ng singsing at peklat sa ulo ng lalaki.

Kung kaya’t humingi ng tulong ang biktima sa kapulisan na agad naman naaresto ng pamunuan ni PLtCol. Avelino Canceran Jr. hepe ng Cauayan City Police Station ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here