Home ENTERTAINMENT Bosing at Mayor Vico, dinumog sa red carpet!

Bosing at Mayor Vico, dinumog sa red carpet!

Manila, Philippines – Sa red carpet ng isa sa mga official entries sa gaganaping 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na The Kingdom ay dinumog ang isa sa mga bida na si Bossing Vic Sotto kasama ang kanyang anak na si Pasig Mayor Vico.

Kasama si Piolo Pascual, na isa rin sa mga bida, ay pinagkaguluhan ang dalawa ng mga moviegoers.

Kakaiba ang pelikulang The Kingdom dahil sinasabing hindi lang ito isang pelikula kundi isa rin itong experience para sa lahat ng Pilipino.

Mapapanood sa The Kingdom ang isang alternatibong realidad ng Pilipinas kung saan naghahari pa rin ang monarkiya dahil hindi kailanman sumailalim sa kolonisasyon ang bansa.

Para sa kaalaman ng mga manonood ng pelikula, ang bansa ay tinatawag na Kaharian ng Kalayaan at ang mga mamamayan ay kinikilala bilang mga Malaya.

Si Bossing Vic na ang nagsabi na sa pelikula, “Ang Kaharian ng Kalayaan ay pinapamunuan ng hari at reyna na tinatawag na Lakan at Lakambini, at ang mga prinsipe at prinsesa naman ay kinikilala bilang Magat at Dayang. “Ang monarkiya ay hindi lamang political leaders kundi nirerespeto din bilang pinagpala at ‘may dugo ni Bathala.'”

Tampok din sa The Kingdom ang sinaunang alpabeto na Baybayin na marahil ay gamit pa din ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan kung hindi tayo na-impluwensiyahan ng alpabeto ng mga dayuhan.

Ang The Kingdom ay mapapanood sa sinehan sa December 25. JP Ignacio