Home NATIONWIDE Brutal na pagpatay sa isang guro kinondena ng Notre Dame University

Brutal na pagpatay sa isang guro kinondena ng Notre Dame University

1
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Notre Dame University (NDU) ang brutal na pagpatay sa isa sa mga faculty member nito na si Evangeline Pantorilla Abdullah matapos barilin gabi ng Hulyo 2, 2026.

Si Abdullah, ay naglilingkod bilang part-time faculty member sa College of Arts and Sciences and the Graduate School ng naturang unibersidad, at isa ring guro sa Cotabato City National High School.

Ayon kay Captain Steffi Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), nangyari ang insidente 7:40 ng gabi noong Huwebes, Hulyo 2 sa Sitio Curbada, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

“Ms. Abdullah was standing near the national highway when an unidentified suspect approached and opened fire on her,” ani Salanguit.

Agad na tumakas ang suspek at nagtungo sa hindi pa tukoy na direksyon.

Hindi naman naisalba ang guro sa kabila ng agarang pagdating ng mga responde.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa likod ng pagpatay sa biktima at matukoy ang mga nasa likod nito.

Sa opisyal na pahayag, kinondena ng Notre Dame University (NDU) ang naturang krimen na tinawag na “heinous and brutal” assault.

“The killing of a teacher is an attack on the very soul of our society,” sinabi ng unibersidad.

Iginiit din ng NDU na walang lugar ang karahasan sa lipunan, at ang pagtarget sa mga guro ay direktang pag-atake sa dignidad ng mga institusyon na humuhubog sa susunod na henerasyon.

Dahil dito ay umapela ang unibersidad sa lokal at nasyonal na mga awtoridad na magsagawa ng mabilis, masusi at transparent na imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

“May Ma’am Evangeline not become another name in the list of unresolved killings,” saad sa pahayag. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here