MANILA, Philippines – Magsisimula na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ikalawang phase ng rehabilitasyon ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) mamayang gabi, Hulyo 3, 2026.
Nakatakdang magsimula ang roadworks mula sa Orense area sa Makati City patungong Monumento sa Caloocan City.
Ayon sa DPWH, isasagawa ang repair works sa mga bahagi ng kalsada hanggang Hulyo 23, 2026 kabilang ang mga sumusunod:
Asphalt overlaying: Monday to Friday (10 p.m. to 4 a.m.)
Asphalt overlaying and concrete reblocking: Friday to Monday (10 p.m. to 4 a.m.)
Drainage and sidewalk improvement activities under phase one: 24/7
Para sa asphalt overlay:
Southbound
July 20-23, 2026: Bus lane mula Monumento circle hanggang Edsa McDonalds Caloocan
Northbound
July 6-8, 2026: Bus lane at lane 1 mula Guadalupe bus station hanggang Avida Town Center
July 16, 2026: Lane 2 hanggang lane 3 mula Guadalupe bus station hanggang Avida Town Center
July 20-21, 2026: Lane 2 hanggang lane 3 mula Guadalupe bus station hanggang Avide Town Center
Rotomilling
Southbound
July 6-7, 2026: Bus lane mula Monumento circle hanggang Edsa McDonalds Caloocan
July 13-24, 2026: Bus lane mula Edsa McDonalds Caloocan hanggang Balintawak Global Oil
Northbound
July 3-4, 2026: Bus lane at lane 1 mula Guadalupe bus station hanggang Avida Town Center
July 9, 2026: Lane 2 hanggang lane 4 mula Guadalupe bus station hanggang Avida Town Center
July 13-15, 2026: Lane 2 hnggang lane 3 mula Guadalupe bus station hanggang Avida Town Center
Ipatutupad ang partial lane closures sa naturang rehabilitasyon. RNT/JGC