Home NATIONWIDE BuCor: Banta sa buhay ni Madriaga mula sa alitan sa kapwa PDL

BuCor: Banta sa buhay ni Madriaga mula sa alitan sa kapwa PDL

178
0

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology na ang umano’y banta sa buhay ng detainee na si Ramil Madriaga ay nag-ugat sa isang alitan sa kapwa person deprived of liberty (PDL) sa Taguig City Jail.

Si Madriaga ay sinasabing dating aide ni Sara Duterte at nag-akusa na ang kampanya nito ay pinondohan umano ng mga drug dealer at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na itinanggi naman ng bise presidente.

Noong Miyerkules, sumulat ang abogado ni Madriaga sa National Bureau of Investigation matapos makatanggap ng impormasyon na may inmate na umano’y nagbanta sa kanyang buhay. Humiling ang kanyang kampo sa NBI na beripikahin ang uri ng banta, tukuyin ang sangkot na inmate, at alamin kung may ipinatupad na hakbang para sa kanyang seguridad.

Ayon kay Jayrex Bustinera, naganap ang insidente sa sunning area ng kulungan nang aksidenteng magkabungguan si Madriaga at ang isa pang PDL na humantong sa pagtatalo.

Agad namang umaksyon ang mga awtoridad at inilipat sa ibang selda ang kabilang PDL.

Pinayagan din umano ng BJMP ang mga tauhan ng NBI na makapanayam ang mga detainee na nakasaksi sa insidente at pinahintulutang magtalaga ng mga tauhan sa pasilidad upang magbigay ng karagdagang seguridad kay Madriaga.

Ayon kay Bustinera, seryoso nilang tinatrato ang mga pahayag ng kampo ni Madriaga. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here