Home NATIONWIDE Ex-DPWH Usec. Bernardo tetestigo vs Zaldy Co

Ex-DPWH Usec. Bernardo tetestigo vs Zaldy Co

179
0

MANILA, Philippines — Nakatakdang tumestigo para sa prosekusyon si dating Public Works undersecretary Roberto Bernardo sa kasong malversation laban sa nagbitiw na Ako Bicol party-list representative na si Zaldy Co at 15 iba pa kaugnay ng umano’y substandard na P289-milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Pinayagan ng Sandiganbayan Sixth Division ang mga prosecutor ng Office of the Ombudsman na idagdag si Bernardo sa listahan ng mga testigo ayon sa nakasaad sa pre-trial brief ng prosekusyon.

Isa si Bernardo sa apat na state witnesses na inilista ng Department of Justice kaugnay ng kontrobersiya sa mga flood control project. Kabilang din dito sina dating Bulacan First District Engineering Office district engineer Henry Alcantara, engineer Gerard Opulencia, at contractor na si Sally Santos ng SYMS Construction Trading.

Sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 2025, inakusahan ni Bernardo sina Co, Senador Francis Chiz Escudero, at mga dating senador na sina Ramon Bong Revilla Jr. at Nancy Binay ng umano’y pagkakasangkot sa kickback scheme kaugnay ng flood control projects.

“Engineer Alcantara then told me that Cong. Zaldy Co was asking for a 25% commission and of that amount, 2% was to be shared equally between Engineer Alcantara and myself,” ayon kay Bernardo sa naturang pagdinig. Inihayag din niya na sinabi umano ni Alcantara na naghatid ito ng cash kay Co.

Sa hiwalay na pagdinig sa piyansa ng mga akusado, tumestigo si Commission on Audit (COA) Region 4B auditor Victoriano Acosta na naglabas ang Commission on Audit ng P84-milyong notice of disallowance para sa proyekto matapos matukoy na ito ay “constructed not in accordance with plans and specifications.”

Ang notice of disallowance ay nangangahulugang ang ginastos na pondo ay maaaring “either irregular, unnecessary, excessive, extravagant, or unconscionable.”

Nakatakda ang susunod na pagdinig sa kasong malversation kaugnay ng proyekto sa Oriental Mindoro sa Marso 17 at 19. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here