Home NATIONWIDE Budget hearing sisimulan ng Kamara sa Lunes, Agosto 18

Budget hearing sisimulan ng Kamara sa Lunes, Agosto 18

229
0

MANILA, Philippines – Sa Lunes, Agosto 18, ay sisimulan na ng House of Representatives ang pagrebyu at deliberasyon para sa 2026  P6.793 Trillion proposed national budget sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

Target ng Kamara na maipasa ang budget sa Oktubre 10.

“As we always do and as the Speaker said, we will do our best to finish the budget as soon as possible. So we will work hard po, tuluy-tuloy iyong ating mga deliberasyon para po kung kakayanin natin ay ma-approve na rin po on third and final reading. We will work as fast as we can at kung anuman po ang kaya nating tapusin on Oct. 10,” pahayag ni House Committee on Appropriations chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing.

Unang sasalang sa budget hearing ng Kamara sa Lunes ay ang  Development Budget Coordination Council (DBCC) .

Kapwa inamyendahan ng Kamara at Senado ang kanilang legislative calendar kaya sa halip na October 3 ang pagtatapos ng House plenary session ay gagawin itong October 10.

Samantala, sinabi ni Suansing na ang alokasyon sa flood control projects ay kanilang ibabase sa mga lugar na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos na flood prone areas.

“The President identified all the provinces…We will make sure that the flood control projects will be focused mostly in those areas kasi yun ang identified na flood prone. We’ll also coordinate with their respective RDs and there be like an overall flood mitigation plan for the different areas,” paliwanag ni Suansing.

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management na sa ilalim ng NEP ang  flood control projects ay  P274.926 billion, sa nasabing halaga, ang P272.333 billion ay nakalaan sa Department of Public Works and Highways, habang ang  P2.593 billion ay sa  Metro Manila Development Authority.

Ukol sa pondo para sa confidential and intelligence funds(CIF), sinabi ni Suansing na kung magkano at anong ang ahensya ang may confidential funds ay kanilang ibabatay sa guidelines na nakapaloob sa NEP.

“Yung nasa guidelines ang magiging batayan natin sa ating pagbalangkas ng mga proposals pagdating po sa confidential and intelligence funds (CIF) kung alin lang talaga ang mga opisina at mga ahensiya na kinakailangan yun,” ani Suansing.

Sa talaan ng DBM, ang CIF sa 2026 NEP ay nasa P10.77 billion, mababa ito ng 11.18% kumpara sa CIF noong 2025. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here