MANILA, Philippines – Iimbitahan ng Kamara sa gagawin nitong imbestigasyopn ang mga mambabatas, mga construction companies at mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa maanomalyang flood control deals, ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon.
Ayon kay Ridon, Chairman ng House Committee on Public Accounts, ang bubuoing House Tri Committee ang syang mangunguna sa gagawing House probe.
Ang tatlong committee ay ang public accounts, public works at good government committees.
Tututukan sa imbestigasyon ang mga flood control projects na maanolmalya, substandard, ghost at hindi mga natapos.
“The move aims to implement the presidential pronouncement to look into flood control projects,” pahayag ni Ridon.
Sinabi ni Ridon na ang gagawing imbestigasyon ay hindi “witch hunt,”.
Una nang ibinunyag ni Pangulong Bongbong Marcos na 15 contractors ang nakakuha ng P100 billion flood control projects sa pagitan ng Hulyo 2022 hanggang May 2025.
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang mga mambabatas ay nakakakuha din ng 30 hanggang 40 percent kickbacks sa mga flood control at ifrastructure projects. /Gail Mendoza