Home HOME BANNER STORY Bulacan malaya na sa H5N1 avian flu – DA

Bulacan malaya na sa H5N1 avian flu – DA

MANILA – Idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang lalawigan ng Bulacan na malaya na sa H5N1 avian influenza (AI) nitong nakaraang Biyernes, Abril 26.

Sa isang pahayag, ibinigay ng DA ang AI-free status “higit sa 90 araw mula noong mga aktibidad sa paglilinis at pagdidisimpekta, at ang huling pagsubaybay na nagbunga ng mga negatibong resulta.”

Bago ang deklarasyon, nagpatupad ang DA ng mahigpit na hakbang, kabilang ang depopulasyon, disinfection, at mga paghihigpit sa logistik, sa 135 poultry facility na nakarehistro sa Bulacan.

Ang mga surveillance zone na 1 at 7 kilometro ay inilagay sa paligid ng mga nahawaang bukid.

Batay sa monitoring reports ng Bureau of Animal Industry, naitala ang mga impeksyon sa mga itik, pugo, native chicken, chicken layers, at broiler breeders sa Baliwag City, Pulilan, Santa Maria, San Rafael, San Miguel, at San Ildefonso mula Enero 2022 hanggang Pebrero 2023.

Ang huling impeksyon sa H5N1 ay naiulat sa isang game fowl farm sa Santa Maria noong unang bahagi ng Mayo 2023. Santi Celario